Thursday, February 10, 2011

Anino ni Hudas

dadalhin kita sa iyong kaibuturan
sabay tayong tatalon sa apoy ng kasamaan
sa loob ng usok, maabot ang langit
patungo sa lugar kung saan walang mali.

hoy! halika rito.
Ako ang iyong katapusan
dito ang huling hantungan

hoy! halika rito.
sumama ka sa akin at sabay tayong mamamatay
kumapit ka sa aking kamay
at tayo'y maglalakbay
gamit ang pakpak ni hudas,
lilipad tayo sa kawalan.

Huwag matakot sa aking gagawin
ako ang kalayaang di mo makakamit
mawala ka man sa mundo natin
kasiyahan naman ang sasaloobin.
kaligayahan mo'y hindi ipagkakait
buhay mo lamang ang tanging kapalit.


No comments:

Post a Comment