Thursday, February 10, 2011

MASKARA



Saan ako ppunta?
Saan lulugar?
Saan ako magtatago?
Paano maglalaho?

Lahat sila'y nagmamaliit. 
Paraan ko'y nilalait.
Kada kilos, kada galaw
Lahat pinakikialamanan.

Palayain nyo ako 
sa mundong mapanloko
Wala na akong kilala dito
Lahat kayo'y hindi totoo
Isip ko'y litong lito
Dito sa mundong walang sinasanto

Isang araw tila isang taong pagkahimbing
nabubuhay na lamang sa mundong madilim
Tibok ng puso'y unti unting tumitigil
Kakayanin pa ba ang buhay na nasisiil?

Sa likod ng masayang ngiti ay isang batang nagtitimpi
nagtitiis at nag iisip, habang buhay mananaginip
Umiiyak, sumisigaw, nag-aasam ng alapaap
Gustong makatakas sa katauhang walang pangarap.

No comments:

Post a Comment